Mas marami pang dekalidad na trabaho, focus ng gobyerno kasabay ng pagbaba ng unemployment rate

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA na naka focus ngayon ang pamahalaan sa pag likha ng mas maraming de kalidad na trabaho, kasabay ng pagbaba ng unemployment rate sa bansa nitong buwan ng Agosto.

Sa statement na inilabas ng NEDA, sinabi ni Secretary Arsenio Balisacan na patuloy ang mga pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang pag-unlad ng ekonomiya at ang paglikha ng trabaho.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Isa rin sa mga layunin ng Marcos administration ay ang pagpapabuti ng business environment sa Pilipinas upang mas marami pang mamuhunan sa bansa.
Kabilang dito ang pag-apruba ng Senado sa Public-Private Partnership o PPP Act at ang paglulunsad kamakailan ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala ang 4.4% na pagbaba sa unemployment rate at 11.7% sa underemployment rate noong Agosto.