Tulfo, pinaiimbestigahan ang illegal recruitment scheme sa mga Pinoy na nagbabalak magtrabaho sa Italy

Pinaiimbestigahan na ni Senate Committee on Migrant Workers, Senator Raffy Tulfo ang consultancy firm na Alpha Assistenza na nambibiktima ng mga Pinoy na nagpaplanong magtrabaho sa Italy.

Ito ay matapos makatanggap ng ilang reklamo mula sa mga kliyente nito na natangayan ng pera.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Tulfo, may iilan sa mga ito ang nagbayad ng hindi baba sa 2500 euros o P120,000 ngunit hindi naman nakatanggap ng trabaho.

Maliban pa roon, tinanggihan din sa Italian Embassy sa Pilipinas ang mga inissue na working permit sa mga ito sa email o social media.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ngunit maalala, pormal nang nagsampa ng kaso ang animnapu’t walong complainants nito sa Department of Justice upang mapanagot ang nasabing consultancy firm.