DICT, pinakikilos ng isang kongresista para magpatupad ng proactive approach vs cybercrimes at data breach

Hinimok ni House Committee on Information and Communications Technology at Navotas Representative Toby Tiangco ang DICT na magkasa ng komprehensibong review sa mga programa at polisiya upang tukuyin at tugunan ang mga butas o kahinaan na sinasamantala ng cybercriminals.

Kasunod ito ng pagtaas ng insidente ng cyberattacks sa government systems pati na ang pag-angat ng ranking ng Pilipinas sa dami ng kaso ng data breach.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ayon kay Tiangco, napapanahon ang pagkilos at paagprotekta sa digital infrastructure at datos ng mga Pilipino.

Dapat aniyang mag-adopt ang DICT ng proactive approach gaya ng kung paano ituring ng mga doktor ang mga isyung pangkalusugan.

Punto nito, bagama’t mapupuri ang pagsisikap ng ahensya kabilang ang National Computer Emergency Response Team at Nationl Cybercrime Hub ay kailagan pa rin ng kaakibat na preventive measures.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Dagdag pa ng kongresista, dapat makasabay ang regulatory policies ng gobyerno sa pagbabagong anyo ng cybercrimes dahil kapag walang sapat na digital infrastructure ay mananatiling mapanganib ang privacy breach at panloloko sa mga Pilipino.

Sa ulat ng Norway-based virtual private network provider na Surfshark, pang-dalawampu’t siyam ang Pilipinas mula sa dalawandaan at limampung bansa pagdating sa data breach cases sa second quarter ng taong 2024.