KORONADAL CITY – NAGPULONG na kamakailan lang ang Regional Inter-Agency Task Force Region 12 para sa Seal of Good Local Governance o SGLG.
Ang naturang meeting ay kaugnay sa isasagawang 2024 SGLG Assessment. Target ng region 12 na dumami pa ang mga LGUs na maging SGLG awardee ngayong taon.
Noong 2023, 37% lamang ng mga LGUs sa rehiyon ang ginawaran ng Seal. Ang SGLG ay ang pinakamataas na recognition at isa sa mga prestihiyosong award na ibinibigay ng DILG sa mga excellent at performing LGU’s sa delivery ng public service.
