Maruming tubig sa ilang parte ng Sipocot, patuloy na inaaksyunan

CAMARINES SUR –Matagal nang problema ng mga residente sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur ang pagkakaroon ng maruming tubig.

Kaugnay nito, ipinaliwanag sa Brigada News FM Naga ni Sipocot Water District General Manager Eleanor Reyes na ang maruming tubig na nakukuha ng mga residente ay nagmumula sa surface water na galing sa mga ilog na siyang nagdadala ng maruming tubig bunsod ng pag-uulan. Aniya, kapag maulan sa mga upper barangay o kaya naman yung mga bayan na nasa itaas na porsyon na, ang mga ilog sa bayan ng Sipocot ang sumasalo ng mga putik galing sa itaas kung kaya sa kanila ito napupunta.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dagdag pa ni Reyes, nasa proseso na sila sa paghahanap ng mas maayos na filter media para sa kanilang mga water system upang masala ng husto ang mga duming galing sa bundok at hindi na maapektuhan ang mga residente.