Binata nalapnos matapos isalba ang buhay ng mga kapitbahay sa sunog

Nagtamo ng mga paso sa braso at katawan ang 21 anyos na binata matapos niyang iligtas ang dalawang babae sa loob ng nasusunog na bahay sa MP Road Barangay San Miguel, Puerto Princesa City.

Ito ay si Lance Eclarin na nakatira malapit sa nasunogan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa kwento nito, hindi siya nagdalawang isip na iligtas ang dalawang babae na kapitbahay nang magsimula ang sunog mag-a-alas singko ng umaga kanina.

Sumisigaw na raw kasi ang dalawang babae habang hindi ito makalabas sa tinitirhan kaya agad raw naghubad ng damit si Lance bago sinira ang bakod (cyclone wire) papunta sa dalawang ni-rescue.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa kabila ng tinamong mga pinsala sa katawan ay hindi na nagpadala sa pagamutan si Lance matapos siyang lapatan ng first aid.