Maris Racal at Rico Blanco, hiwalay na

Inanunsyo ni Maris Racal na hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang 5 taon nitong pagsasama.

Naging emosyonal ang aktres na si Maris ng tanungin ito hinggil sa kanyang kasintahan na si Rico.

“I’m so scared… I’m really scared. Ang dami kasing tanong about him and I’m here, smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it, then it’s real. Yeah. Rico and I really over,” ani Maris.

Sinabi niya na fressh pa ang kanilang break up at kakapangyari lang nitong nagdaang linggo.

Ayon kay Maris, walang maiksing sagot sa kung ano ang nagyari sa kanila ni Rico.

“Sa 5 years namin together, we are always on the same page, always on the same page. And I don’t know what happened to that,” sabi ni Maris.

“Maybe I turned to the next page. I saw a new perspective sa life. I had visions sa who I want to become, how I want to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes. And alam naman natin yun na changes either good or bad. What I hate about changes that it’s inevitable. Hindi mo siya matatakasan and wala ka nang ibang gawin kundi you have to face it and confront it. [Because] it’s been in the back of my head,” mahabang salaysay ni Maris.

Sa kabila nito ay inamin naman niya na maayos silang naghiwalay ng singer-songwriter. (BRIGADA NEWS INTERN – RAUVIC CIFRA)