DND: 2016 Arbitral Award ang nagpapatunay na pagmamay-ari ng Pilipinas ang WPS

Iginiit ni Defense Sec. Gilberto Teodoro na hindi basta biro at salita lamang ang iginawad na 2016 Arbidtral award sa Pilipinas na nagbasura sa malawakang claims ng China sa disputed waters saklaw ang West Philippine Sea.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon sa kalihim, isinasapuso ng Pamahalaan ang naturang award para masiguradong tanging ang mga Pilipino lamang ang makikinabang sa likas na yaman sa mga karagatan sa WPS na magagamit ng mga susunod na henerasyon.

Tiniyak din ng DND na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagprotekta sa teritoryo at sovereign rights ng bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Inihayag ito ni Teodoro matapos ang paggunita sa ikawalong anibersaryo ng makasaysayang panalo ng Pilipinas sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.