Umabot sa 129 na estudeyanteng atleta sa Palarong Pambasa ang sinugod sa ospital nitong magsimula ang mga laro.

Ayon kay Dr. Peter Mancao, nasa 23 lamang ang mga na-admit at ang kalahati naman ay na-discharge habang ang iba naman ay patuloy nagpapagaling.
Dahil dito, naging sanhi ng sakit ng mga manlalaro ay karamihan lagnat at na dengue na umabot sa 11 mahigit ang nakakaramdam ng sintomas ng dengue.
Bagamat naisugod sila sa ospital, maaari pa rin sila maglaro dahil nabigyan sila ng clearance ng mga medical team upang makapaglaro.
Ani nila, naglagay na din ang Cebu City Medical Center ng Palaro Ward sa mga kasaling atleta at ibang manlalaro sa Palarong Pambansa.
Samantala, nagpaalala si Mancao sa mga magaaral at mga guro na panatilihin at unahin ang kalinisan at kaligtasan ng mga manlalaro. (BRIGADA NEWS INTERN-JAIME CODIZAL)