Aapela ang Maritime Industry Authority o MARINA sa International community na hikayatin ang mga shipping lines na iwasan ang pagdaan sa mga conflict zones tulad ng Red sea at Gulf of Aden.
Ayon kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, ito’y dahil sa ilang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi.
Binigyan-diin ni Malaluan, na hindi pwedeng tapatan ang buhay ng isang tao. Bagaman maaaring magastos na dumaan sa ibang ruta , nais nilang tiyakin na hindi malalagay sa panganib ang buhay ng mga seaferers.
Inihayag din ng opisyal ang kanilang suporta sa polisiya “implementation of a policy ” ng Department of Migrant Workers na nagbibigay ng options sa mga Filipino seaferers na iwasan ang sumakay at maglayag sa mga barkong dumadaan sa mga high risk areas o warzones.
Simula noong nakaraang taon, 4 na barko ang inatake, kung saan hindi bababa sa 2 Filipino seaferers ang namatay, 17 hinostage ng Houthi at 1 ang nananatiling missing.
Tiniyak naman ng MARINA na gumagawa na sila ng mga hakbang upang tulungan ang mga seaferes na naapektuhan ng pag-atake.