Isang obra ni Fernando Amorsolo – ninakaw sa Negros Occidental

Humihingi ngayon ng tulong sa publiko ang isang private museum sa Silay City, Negros Occidental matapos manakaw sa kanila ang isang painting ng national artist na si Fernando Amorsolo.

Sa Facebook post ng Silay Heritage – nagpapatulong na ang mga ito sa publiko para ma-recover ang “Mango Harvesters” na isang napakahalagang artwork sa Philippine art.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Hinimok ng museo ang mga tao na agad lumapit sa kanila o sa mga otoridad sakaling may impormasyon hinggil sa nawawalang painting.

Ayon kay Silay police chief Police Lt. Col. Mark Anthony Darroca, dalawang tao ang nakitang kumuha sa artwork batay sa CCTV footage.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sumama umano ang mga ito sa anim na iba pa para mag-tour, at umalis ng museum nang may dala nang painting matapos ang 15 minutes.

Sa ngayon, may mga persons of interest na raw sila na posibleng bahagi ng organized crime group.