Banned na rin sa buong lalawigan ng Bulacan ang lahat ng mga operasyon ng POGO.
Aprubado ng Sangguniang Panlalawigan ang isang Ordinansa para rito.
Ayon kay Bulacan Vice Governor Alex Castro – ang kanila raw lalawigan ay ang isa sa mga kauna-unahang probinsya na nagpasa ng ganitong uri ng lokal na batas.
Bago pa man ma-aprubahan sa SP, una nang naiakyat sa Konseho ang concern hinggil sa POGO dahil sa banta nito sa seguridad, at iba pang social, and economic issues.
Anila, nababahala ang buong Sanggunian, at naniniwala silang mas mabigat ang masamang epekto nito, kung ikukupara sa revenue na ipinapasok nila sa Gobyerno.
Maaalalang bago ito, una na ring ipinagbawal sa Valenzuela City ang mga POGO.