Mariel Rodriguez, nagla-live selling para makatulong sa kampanya ni Robin Padilla

Diretsahang sinagot ni Mariel Rodriguez-Padilla ang balita na kaya siya ay nagla-live selling, para makatulong sa kampanya ng asawang si Robin Padilla na tumatakbo senador?”

Nabatid na inaabot ng madaling araw ng live selling ni Mariel sa kanyang mga preloved designers collections

Sa panayam ng vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz, inamin ng TV host na maramihan sa kanyang kinikita ay ipinangbibili niya ng tarpaulin at pinangpapagawa ng t-shirt, at iba pang campaign materials, dahil marami umano ang nanghihingi sa kanya.

Nilinaw naman nito, na hindi naman talaga kailangan gawin niya ang pagdispose sa kanyang mga collections, pero talaga gusto lang din naman umano niya.

Hindi pa naman nito masabi kung magkano na ang kabuoang kinita niya sa kanyang pagbebenta.