Nag-libot ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Israel matapos idaos sa naturang bansa ang 70th Miss Universe pageant.
Sa Instatgram ay ibinahagi ni Marian ang mga litrato nila ni Dingdong na bumibisita sa iba’t-ibang lugar sa Jerusalem.
Sinulat ni Marian sa caption nito ang “Holy Land” na sinundan ng #SalamatAma at #MarianXMiss U.
Dagdag ni Marian, “Another place I’ve been wanting to go to and being with Mi Amor made it even more special.”
Una nang nag-dedicate si Marian ng appreciation post para sa kaniyang mister matapos ang pageant kung saan ay sinabi niya na “best husband” na maituturing ang kaniyang asawa.
