Marcos, umapela sa mga ambassador i-promote ang pamumuhunan sa bansa

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga bagong diplomats na makiisa sa mga hakbang para mapalakas pa ang foreign investments sa bansa.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga bagong ambassadors, inatasan niya ang mga envoys na maghanap ng mga pamamaraan para mag-establish ng koneksyon sa iba’t ibang mga bansa.

Aniya, mahagalang nagtutuluy-tuloy ang mga inisyatibo para sa pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Paliwanag ng pangulo, maaaring ikonsidera ng mga ambassador ang pagkakaroon ng government-to-government negotiations at investment tie-up sa mga foreign investors.

Dapat din aniyang makiisa ang mga nire-representa nilang bansa para sa pagpapalakas ng relasyon, at pagpapahalaga sa interes ng Pilipinas.

Kabilang sa meeting ng Pangulo ay sina Ambassadors Grace Tolentino Cruz-Fabella ng Argentina; Jaime Victor Leda ng Belgium; Joseph Gerard Angeles ng Brazil; Eduardo Martin Meñez ng Czech Republic; Gina Jamoralin ng Indonesia; at Pedro Laylo Jr. ng Israel.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ipinatawag din ang mga bagong kumpirmang envoys na sina Ambassadors Nathaniel Imperial ng Italy; Mylene Garcia-Albano sa Japan; Wilfredo Santos para sa Jordan; Lilybeth Deapera ng United Mexican States; Lilibeth Pono sa Qatar; Medardo Antonio Macaraig ng Singapore; at Alfonso Ferdinand Ver para sa United Arab Emirates.
#