KORONADAL CITY- ITINUTURING na isang historical day ang muling pagsasagawa ng face-to-face opening celebration ng PasKoronadal matapos ang tatlong taong na hindi ito naisagawa dahil sa Covid-19.
Ito ang inihayag ni City Mayor Eliordo Ogena sa kaniyang mensahe sa isinagawang opening program ng PasKoronadal kagabi, Disyembre 1 kung saan sinabi nito na posible na ang pagsasagawa ng mga kahalintulad na aktibidad dahil niluwagan na ang mga Covid-19 restrictions.
Sinabi pa ng alkalde na ramdam na rin sa Koronadal ang unti-unting pag-bangon, hindi lamang ng ekonomiya ngunit maging ng iba pang mga social activities.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang paghikayat ni Ogena sa publiko na sundin Covid-19 protocols upang maka-iwasa sa nakakahawang sakit.
