Agad na naglabas ng kautusan ang bagong sumpang gobernador ng lalawigan na si Atty. Edcel Greco Lagman ilang oras matapos isilbi ng DILG Bicol ang writ of execution mula sa COMELEC en banc na may kinalaman sa kasong kinakaharap ni Rosal, kung saan tiniterminate na nito ang contract of services ng mga empleyadong conterminous kay Rosal na siyang nag-appoint sa mga ito.
Sa inilabas na kautusan na pinal at epektibo kahapon, Disyembre 1 ng kasalukuyang taon ay maraming mga tao ang nagbigay ng iba’t ibang reaksiyon tulad ng pagkalungkot, pagkagalit at pagkadismaya, habang ang ilan din ay umaasa nang ganito angt mangyayari.
Kung babalikan, alas dos kahapon nang isilbi ang writ of execution kaugnay ng kinakaharap na disqualification case ng dating gobernador, at pagkatapos ay siya namang pagsumpa ng bagong gobernador kasama si Board Member Glenda Bongao bilang bagong vice governor.