Marcos, tinawag ang China na malakas na partner ng PH

Binansagan ni President-elect Bongbong Marcos Jr. ang Asian superpower na China, bilang pinakamalakas na partner umano ng Pilipinas.

Sa Award for Promoting Philippines-China Understanding, sinabi ni Marcos na gagawa ng paraan ang Pilipinas sa post-pandemic world, pero iginiit na ang partnerships sa ibang mga bansa ay makakatulong sa economic recovery ng bansa.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Ito umano ang laging ginawang pagtulong sa bansa ng ‘strongest partner’, ‘close neighbor’ at good friend, na People’s Republic of China.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Matatandaan na kabilang ang China sa may malaking ambag sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic, kasama ang iba pang mga bansa. //MHEL PACIA