Incoming natl security adviser: PH, mananatiling neutral sa Russia-Ukraine conflict

Binigyang diin ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na mananatiling neutral ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinan Bongbong Marcos, sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Giit ni Carlos, ang Pilipinas ay may napakalakas na relasyon sa Russia.

Kaya kung magbibigay umano siya ng payo kay Marcos, ito ay hindi makisali ang bansa sa sanctions mechanism na ginagawa ng US.

Una nito, sinabi rin ni outgoing President Rodrigo Duterte na gusto niyang manatili lang na neutral ang Pilipinas sa Ukraine-Russia war, bagama’t inamin na darating ang panahon na may papanigan ang gobyerno sa naturang gulo.

Sa katunayan, kamakailan, nanawagan si Duterte kay Russian president Vladimir Putin, na huwag idamay ang mga inosenteng sibilyan, lalo na ang mga bata, sa kanilang invasion sa Ukraine. //MHEL PACIA