Marcos, nais na maipagpatuloy pa ang probe Percy Lapid slay case

Iminungkahi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, na ipagpatuloy parin ng mga otoridad ang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, sa kabila na “practically” na-solve na umano ang naturang kaso sa loob lang ng 17 araw.

Read More:  PCG drives away Chinese vessel, 22 fishing boats near Kota Island

Ang pahayag ni Marcos ay matapos makausap ng mga reporters sa presidential flight papuntang Cambodia kung saan dadalo ito sa ASEAN Summit.

Ayon sa pangulo, hindi pa naman tapos ang imbestigasyon, kaya hindi masasabi kung may iba pang mga malalaking personalidad na nasa likod sa naturang krimen.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Pinuri naman nito ang Philippine National Police at ang National Bureau of Investigation sa magandang trabaho sa naturang kaso. //MHEL PACIA