Bantag, nagalit nang malamang nagpunta si Lapid sa kanyang bahay sa Laguna

Ibinahagi ni Justice Sec.  Jesus Crispin Remulla na nakatanggap sila ng bagong impormasyon na hindi umano dumalo si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa September 9 graduation ceremony sa NBP, dahil nagalit ito nang malaman na nagpunta si Percy Lapid sa kanyang bahay sa Laguna, para kumuha ng mga larawan sa kanyang bahay at sasakyan.

Read More:  MVP Sports Foundation denies managing Ateneo men’s basketball team

Ayon kay Remulla, na ang naturang impormasyon ay isang mahalagang lead.

Dagdag ng kalihim, na ang graduation ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa Bilibid ay dinaluhan ng lahat ng mga board of trustees.

Read More:  Digital Pinoys warns vs ticket scalpers, scammers

Noong September 15 nang maglabas umano si Lapid ng storya kaugnay sa “Cinderella Man”, na tila tumutukoy kay Bantag, at noong September 17, sinabi ni Remulla na sinimulan ang plano para sa pagpatay sa broadcaster.