Ililipat ang nasa 120 ng 176 unclaimed cadavers ng mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Philippine General Hospital (PGH) para sa otopsiya.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakatakdang lumagda ang Department of Justice at ang PGH ng memorandum of agreement para sa turnover at otopsiya ng mga cadavers.
Mababatid na mayroon pang halos 176 bangkay ng inmates mula sa NBP na nasa Eastern Funeral Homes, na sole accredited funeral home ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa City, Alabang simula noong December 2021.

Noong Lunes, nang umapela ang Eastern Funeral Homes sa gobyerno na ilibing na ang mga bangkay para mabawasan ang problema sa kanilang storage.
Una nang sinabi ng pamunuan ng naturang punenarya na nasa 50 hanggang 60 bangkay ang nadadagdag sa mga cadaver kada buwan. //MHEL PACIA