Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 801 na mga bagong kaso ng COVID-19, matapos ang sunod-sunod na limang araw na mahigit 1,000 ang mga bagong kaso ang naitatala.
Dahil dito, sumipa pa ang nationwide caseload sa 4,035,487, habang ang active cases ay bumaba sa 18,250.
Sa nakalipas na dalawang linggo, patuloy na nakakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso sa 4,194, sinundan ng Calabarzon sa 1,917, Western Visayas sa 1,121, Central Luzon sa 1,051, at Central Visayas sa 993.

Samantala, kabuoang 1,074 na pasyente naman ang mga bagong gumaling mula sa viral disease, dahilan para tumaas ang recovery tally sa 3,952,617, habang ang death toll ay umakyat pa sa 64,620.
Sa ngayon, ang bed occupancy sa bansa ay nasa 23.4%. //MHEL PACIA