Marcos: ‘Knowledgeable consumers’ pinakamahusay na depensa ng PH vs online scam

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang mga “knowledgeable consumers” ang pinakamahusay na depensa ng bansa laban sa mga online scammers.

Kaugnay nito, tiniyak ni Marcos sa publiko na ang “full force of the law” ay ipapataw sa mga sangkot sa naturang scam.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Inabisuhan ng pangulo ang mga Pilipino na maging maingat sa mga text messages at email na kanilang natatanggap.

Iginiit din nito na ang SIM Registration Act ay isa nang “big forward,” dahil makakayanan nito ma-deactivate ang SIM card na ginagamit sa ilegal na gawain.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa huli, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagiging maingat sa paggamit ng mga teknolohiya, at mga bagong paraan upang makaiwas ang mga Pilipino sa scam. //YMB, edited MHEL PACIA