BIR probe 2022 ITR

Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa 2022 Income Tax Returns (ITRs) upang maabot ang target na P2.6-T collection ngayong taon.

Dahil dito, ipinag-utos ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., sa mga regional directors sa bansa na magsimula na sa paghahatid ng Letters of Authority (LAs) sa mga indibidwal at business taxpayers.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Lumagui, ang focus ng naturang audit ay income, value-added, at withholding taxes na naihain noong 2022 at maging sa mga nagdaan pang mga taon.

Dagdag pa ng BIR Commisioner na sisiguraduhin niyang mapapatawan ng karampatang parusa ang mga business taxpayers na mahuhuling nagmamanipula ng kanilang financial statements upang mabawasan ang kanilang babayarang buwis, at mapalaki ang kanilang kita.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Mababatid na una nang nagpahayag ng magandang saloobin si Lumagui nang makapagtala ng mataas na tax compliance rate ang bansa – na indikasyon umano na nagbabayad nang tamang buwis ang publiko. //AC, edted MHEL PACIA