Marcos, humingi ng paumanhin sa asawa at mga anak kaugnay sa transition concerns ng pamilya

Humingi ng paumanhin si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa asawang si Liza Araneta-Marcos at sa mga anak niya kaugnay sa transition concerns ng pamilya.

Ayon kay Marcos, nalulungkot umano siya kung saan kailangan iwan ng kanyang asawa ang tinayo nitong law firm dahil pinaghirapan niya ito.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Bagamat sinabi niya na wala siyang magagawa dito dahil siya na ang magiging first lady kasabay ng panunumpa niya bilang susunod na pangulo ng Pilipinas sa ika-30 ng Hunyo.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Samantala, dagdag pa ni Marcos, nagrereklamo na din ang kanyang mga anak na sina Simon at Vincent dahil sa karagdagang seguridad at restrictions sa mga ito.

(ARGIE ERGINA)