Maraming Pilipino, nasisisyahan sa performace ng PNP- survey

Karamihan sa mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan sa performance ng Philippine National Police, ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research Group.

Sa Tugon ng Masa poll sa 1,200 respondents sa buong bansa mula Marso 24 hanggang 28, 2023, walo sa 10 Pilipino o 80 porsyento sa buong bansa ang nagsabing nagtitiwala sila sa PNP kumpara sa limang porsyento na walang tiwala sa organisasyon.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nakuha ng PNP ang pinakamataas na trust rating sa Visayas at Mindanao sa 89 porsiyento ngunit pinakamababa sa National Capital Region (NCR) sa 67 porsiyento.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, 8 sa 10 respondents sa buong bansa ang nagsabi rin na kuntento sila sa performance ng PNP, 6 percent ang dissatisfied at 15 percent ang hindi sigurado.

Gumamit ang survey ng face-to-face interviews at may margin of error na +/-3 percent.//CA