Maraming netizens ang natuwa nang makita ang mga larawan ng dating Kapamilya TV host na si Kris Aquino na looking better sa gitna ng kanyang laban sa autoimmune disease.
Ang mga larawan ay ibinahagi sa Instagram ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, na kilalang kaibigan ni Aquino.

Nagbigay ng update si Aquino sa publiko sa kanyang medical conditon habang kinikilala ang lahat ng nagmamalasakit sa kaniya at ang kanyang mga anak at nagnanais na gumaling siya.
Sinabi ni Aquino na dalawa sa kanyang apat na na-diagnose na autoimmune ailment ay life-threatening, at ang ikalimang bahagi ay dahil sa kaniyang distinct physical manifestations.
Sinabi ni Aquino na mahigit anim na buwan na silang nasa US at dumadaan siya sa legal na proseso para palawigin ang kanilang pananatili para sa kanyang pagpapagamot.//CA