Nagkasundo ang Blackwater at Converge sa isang trade na kinasasangkutan ng mga cager na sina Barkley Eboña at Mike DiGregorio.
Si Eboña na pang-apat na overall pick sa 2019 PBA Draft, ay ipapadala sa FiberXers kasama ang isang first-round pick mula sa Blackwater sa Season 48 draft na orihinal na mula sa TNT.

Ang trade proposal ay inaprubahan ng front office ng liga kahapon.
Si DiGregorio ay hindi na bago ssa Blackwater matapos maglaro sa koponan mula 2017 hanggang 2019.
Magkakaroon din si Eboña ng kanyang fair share sa trade, dahil muli siyang makakasama sa koponan na nag-draft sa kanya noong 2019 kasama ang dating mentor na si Danny Ildefonso sa Converge.//CA