‘Marami pa ring government employees ang matino sa serbisyo’— CSC

BICOL—Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Setyembre ang Philippine Civil Service Month ng Civil Service Commission (CSC) kung saan samo’t-saring aktibidad ang mga nakalatag.

Ayon kay CSC Bicol Regional Director Daisy Punzalan Bragais, simula sa pagpasok ng buwan ay umarangkada na ang kanilang mga aktibidad kabilang ang taunang ZOOMbaile o online Zumba na ngayon ay nasa ikalawang taon na matapos itong gawing virtual mula nang magka pandemya.

Ito anya ay isang fund raising activity ng komisyon sa ilalim ng Pondong Pamanang Lingkod Bayani para sa mga pamilya ng mga empleyado ng gobyerno na namatay sa gitna ng pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, bilang bahagi pa rin ng month long celebration, ilang natatanging mga empleyado ng gobyerno ang makakatanggap ng mga pagkilala dahil sa kanilang kahusayan at puso sa paglilingkod bayan.

Sa ngayon ay tatlo nang Bicolano ang kabilang sa mga semi finalists sa national level kung saan dalawa ang pasok para sa Dangal ng Bayan award at isa naman sa Pagasa award. Dalawa sa mga ito ay guro at isa naman ang mula sa Provincial Government ng Catanduanes.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay nito ay binigyang diin ni Bragais na marami pa ring mga government employees ang matitino at tapat sa kanilang paglilingkod bayan sa gitna ng mga negatibong usapin na naipupukol sa mga empleyado ng pamahalaan.### || slm