Mapua, inangkin ang unang pwesto sa team standings ng NCAA

Inangkin ng Mapua Cardinals ang unang pwesto sa team standings laban ang University of Perpetual Help System DALTA Altas sa iskor na 69-53.

Muling nanguna ang star guard ng Mapua na si Clint Escamis na nagtala ng 17 points, 6 steals, 4 rebounds, 4 assists at 1 block.

Read More:  Para swimmer Ariel Joseph Alegarbes secures PH’s second gold in Asian Para Games

Samantala, patuloy naman ang hilahan para sa pwesto sa final four ng College of Saint Benilde Blazers, San Beda Red Lions, at JRU Heavy Bombers.

Nanalo ang San Beda laban kahapon kontra ang Benilde sa iskor na 65-61.

Dahil dito, pareho ang record ng Benilde at JRU na may sampung panalo ta anim na talo; hawak din nila ang No. 3 and No. 4 spot.

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

Panglima naman ang San Beda na may siyam na panalo at anim talo.

Sakaling manalo ang San Beda sa susunod na laban isa sa Benilde at JRU ang malalaglag para sa final four.