Mahigit 70 mga volunteer parents, napagkalooban ng Rice Assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Napagkalooban ng rice assistance ang nasa 74 na mga Volunteer Parents sa bayan ng Mercedes na mula sa lokal na pamahalaan.

Ang hakbang na ito umano ay bilang pasasalamat ng LGU sa kanilang pagtulong sa School Based Feeding program kung saan nasa 120 araw na pinapakain sa pamamagitan ng Free hot meals ang ibinibigay sa 19 na mga paaralan sa buong Mercedes District.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon sa LGU, bawat paaralan ay may mga boluntaryong magulang na tumutulong sa mga  pagpapakain gaya halimbawa  ng paglilinis ng mga lalagyan , pag asikaso sa  mga bata, maging ang lugar na pag kakainan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ngayong School year Ang School Based Feeding Program ay tapos na at muling magpapatuloy sa susunod na pasukan.

Humigit kumulang 2, 000 mga bata ang nabiyayaan ng nabanggit na programa.

PHOTO COURTESY: THELMA/MUNICIPALITY OF MERCEDES – PUBLIC INFORMATION OFFICE