Mapayapang semana santa, naidaos sa Puerto Princesa

Matagumpay na naidaos ang Semana Santa sa Puerto Princesa City dahil sa epektibong pag-activate ng Incident Management Team at pag-deploy ng 307 PNP personnel.

Ito’y nagresulta sa isang mapayapa at maayos na selebrasyon.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng malakas na pakikipagtulungan at interoperability efforts ng City Government of Puerto Princesa, PPCPO at iba pang miyembro ng security and safety cluster mula sa mga katuwang na ahensya.

Mula Marso 25 hanggang 31, 2024, walang naitalang insidente na may kaugnayan sa Lenten Season Festivities dahil sa mahigpit na implementasyon ng “Oplan Ligtas SUMVAC 2024”.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Sa kabuuan, naihatid ang isang mapayapa at maayos na Semana Santa sa ating lungsod, ayon kay PCOL RONIE S BACUEL, City Director.