Mapayapang bar exam simula ngayong araw tiniyak  sa Naga City

NAGA CITY- Tiniyak ng Naga City Police Office ang mapayapang Bar Examination sa Naga City ngayong araw Pebrero 4 at Pebrero 6, 2022.

Mababatid na nakakasaad sa Supreme Court (SC) Bar Bulletin Nos. 23 and 29, series of 2021 na sa 16 na mga local venues napabilang ang University of Nueva Caceres (UNC). Sa hanay ng PNP sinabi ni Acting City Director PCol. Nelson Pacalso na wala naman silang natatanggap na banta , naka deploy ang mga personahe ng NCPO at mga force multiplier.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ayon kay Pacalso kailangan ang mahigpit na pagbabantay dahil sa Maynila may nangyaring pagpapasabog noon sa panahon ng exam. Nagkaroon na rin ng clearing sa mga lugar malapit sa venue.

Sinabi rin sa Brigada News FM Naga ni Arnulfo Fausto, Chief ng Traffic Management Center sa lungsod na alas- 12 ng hating gabi hanggang alas-7 ng gabi mamaya sarado ang  J. Hernandez Avenue. May mga inilatag ding parking areas.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Ang ilan sa mahigit 400 na mga examinees mula sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol Region ay nasa Naga na noong nagdaang linggo pa subalit ang mga paparating pa lamang ay gagabayan ng mga personahe ng TMC mula sa borders ng lungsod.