Gugulong na ang Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake O MAPALLA Ferry System project na layong mapabuti ang mobility at connectivity sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, nakikipagtulungan ang DOTr sa Public-Private Partnership Center para sa MAPALLA Ferry System na inaasahang magbibigay sa commuters ng karagdagang mabisang transit system.
15 hanggang 20 billion pesos aniya ang pinag-aaralang magagastos sa proyekto kung saan magkakaroon ng multiple stations at electric ferry fleet.
Paliwanag ni Batan, magiging kahalintulad ng MAPALLA ang Chao Phraya River Ferry System sa Bangkok, Thailand at New York Ferry System sa Amerika.
Pero paglilinaw nito, hindi para sa turismo ang ferry system kundi para sa commuters upang magamit sa pang-araw-araw patungo at galing sa trabaho.
Ikokonekta ng MAPALLA Ferry System ang mga katubigan ng Metro Manila, Cavite at Laguna sa pamamagitan ng high-capacity, high-frequency at low carbon commuter vessels.