Wala nang magagawa si Senator Manny Pacquiao sa kagustuhan ng kaniyang panganay na si Jimuel Pacquiao na pasukin ang mundo ng boxing.
Kung ang eight division world champion lang ang masusunod ay ayaw niyang payagan ang kaniyang 20-anyos na anak na mag-boxing.
Pero ayon sa senador, hindi niya mapipigilan ang kaniyang anak na gawin ang passion nito.

Nakiusap naman si Manny kay Jimuel na sa amateur muna ito lumaban bago sa professional.
Sa ngayon ay nagdesisyon si Jimuel na manatili sa Estados Unidos para magsanay matapos niyang mapanuod ang laban ng kaniyang ama kay Yordenis Ugas.
Partikular na nagsasanay si Jimuel sa sikat na Wild Card Gym sa California.
Kamakailan ay napaulat na pinaghahandaan na nito ang kaniyang pakikipagtuos sa YouTuber na si Boy Tapang.