6 na Palestinian militants nakatakas sa kulungan sa Israel

Hinahanap ngayon ng Israeli authorities ang 6 na Palestinian militants na nakatakas mula sa kulungan sa pamamagitan ng pinaniniwalaang tunnel.

Ayon sa report, nangyari ang pagpuga mula sa Gilboa prison na nasa pagitan ng Galilee Sea sa Israel at West Bank town ng Jenin.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Inihayag ng mga otoridad na biniberipika pa rin nila ang report na posibleng dumaan sa tunnel ang mga preso.

Napag-alaman din na kabilang sa mga nakatakas na bilanggo si Zakaira Zubeidi na commander ng militant wing ng Palestinian political party na Farah.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Inihayag naman ng Islamic Jihad na “major heroic act” at matinding sampal sa Israel Army ang pagtakas ng mga Palestinian prisoner.