Manila Science High School, opisyal nang binuksan

Opisyal nang binuksan ang Manila Science High School building sa Ermita, Maynila.

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, at dating Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang inagurasyon at turnover ceremony.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Nabatid na ang gusali ang kauna-unahang pampublikong paaralan na 10-storey building.

Ayon kay Lacuna, isa itong tagumpay sa mga Manilenyos dahil mabibigyan ang mga estudyante ng world class facility.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nag-iwan ng mensahe ang alkalde na nais nitong maayos ang lahat ng pampublikong paaralan sa siyudad para maiwasang mainggit sa pribadong paaralan.