Sa top 10 ng mga pinaka-mapanganib na lungsod sa buong Southeast Asia, apat dito ang mga siyudad mula sa Pilipinas ayon sa 2024 Mid-Year Numbeo Crime Index.
Batay sa datos ng Numbeo, nanguna ang Manila na may 64.2% crime index at 35.8% safety index.
Nasa top 5 naman ang Cebu City na may 51.6% crime index at 48.4% safety index; nasa top 8 ang Iloilo na may 41.1% crime index at 58.9% safety index; habang nasa top 10 ang Makati City na may 38.7% crime index at 61.3% safety index.