Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling prayoridad ang agarang pagresponde sa mga resindenteng nasalanta ng bagyo at pagtitibayin pa ang national at local risk reduction at response.
Ayon sa Pangulo, matinding pagsubok ang sinapit ng bansa, lalo’t nagbago na ang panahon na nagdulot ng record breaking na buhos ng ulan na nagpalubog sa baha sa malaking bahagi ng bansa.
Samantala, hiniling naman ni PBBM sa publiko na ipagdasal din ngayong Undas ang mga naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Kristine.
Sa huli, sinabi ng Pangulo na lalo pang pagbubutihin ng administrasyon ang pagtugon sa climate change upang mabawasan ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan, maprotektahan ang maliliit na komunidad at kabahuyan at mabawasan ng bilang ng mga namatay.