Manila Baywalk Dolomite Beach muling binuksan sa publiko

Binuksan na muli sa publiko ngayong araw ang kontrobersiyal na Manila Baywalk Dolomite Beach.

Sa isang pahayag sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bukas ng dalawang araw ang pasyalan ngayong December 28 hangang December 29.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Muli naman itong isasara sa New Year at bubuksang muli sa Jan. 4, 2022.

Binago na rin ng DENR ang sistema sa mga turista matapos dagsain ng mga tao noong Oktubre at hindi nasunod ang social distancing.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Sa bagong patakaran tanging mga bisita lamang na dumaan sa DENR Manila Bay Dolomite Beach Appointment System ang papayagang makapasok sa naturang pasyalan.