Kampanya kontra iligal na paputok at indiscriminate firing, mas higpitan – DILG

Ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), and Local Government Units na kumilos upang masawata ang paggamit ng iligal na paputok at indiscriminate firing ngayong ilang araw na lang bago mag-bagong taon.

Sa isang pahayag inatasan ni Año ang mga kapulisan na doblehin ang pagmomonitor at pag-iinspeksyon para siguruhing hindi kakalat sa merkado at walang gagamit o madidisgrasya sa iligal na paputok.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Dagdag pa ng kalihim responsibilidad ng PNP at LGUs para ipatupad ang local at pambansang polisiya laban sa paputok.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Pinaaaresto ni Año sa mga otoridad ang sinumang lalabag sa mga panuntunan kontra iligal na paputok.

Nabatid na alisunod sa batas maaring magmulta ng P20,000 hangang P30,000 o makulong ng anim na buwan hangang isang taon ang mga tindahang magbebenta ng iligal na paputok.