Aabot sa 100 mangingisda apektado ng sama ng panahon sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Malakas na hangin at hinahampas ng malakas na alon ang dalampasigan ng Barangay Lamba at Puro sa lungsod ng Legazpi.

Ito ang naging obserbasyon ng ilang mga mangingisda dahil sa sama ng panahon.

Ayon kay Charlie Gruta, aabot sa humigit kumulang sa 100 mangingisda ng nabanggit na barangay ang apektado ang kanilang hanapbuhay sa pang araw araw.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya, natigil ang kanilang pagpapalaot sa karagatan dahil sa lamig at sama ng panahon na nararanasan.

Wala rin umano silang nakukuhang isda tulad ng dilis o bolinao sa karagatan.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Dahil dito, nagtitiyaga na lamang ang mga ito sa mahuhuling isda na malapit sa baybayin.

Kung sakali man na mayroong mahuhuling isda ay pinaghahatian na lamang nila ang mga ito.

Sinabi pa nito, simula ng pumasok ang buwan ng Nobyembre hanggang kasalukuyan, hindi pa rin umano silang nakakapangisda.