Kandidato sa pagka-alkalde sa Legazpi City, pinatutsadahan ang incumbent mayor

LEGAZPI CITY – Muling pinasaringan ng isang kandidato sa pagka-alkalde si Mayor Noel Rosal na kasalukuyang alkalde ng lungsod hinggil sa isyu ng pagbabago sa city hall at maging sa panunungkulan nito.

Ito ang inihayag ni Congressman Alfredo Pido Garbin sa sinagawang pagtitipon nitong nakaraang linggo.

Ayon Kay Garbin, matapos ang panunungkulan ni dating mayor Imelda Roces sa loob ng 20 taon , ganun pa rin ang makikita ng mga Legazpeño na building ng City Hall.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Maliban pa rito, isa rin sa mga problema ng mga nakikipagtransaksyon ay ang kawalan ng parking area dahil sa okupado na ito ng mga sasakyan ng empleyado.

Dahil dito, napipilitan na lamang pumarada sa labas ng kalsada at misan ay nabibigyan pa ng citation ticket ng traffic enforcer dahil sa bayolasyon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Aniya, hindit ito nabibigyan ng prayoridad ng City Government ng Legazpi na mas kailangan ng publiko.

Halimbawa rin nito ang pandemya na dapat prayoridad ay ang kalusugan kung saan mas inuuna rito ang pagkakaroon ng water system sa mga barangay.

Nakikipag kompetensya umano ang Alkalde sa ginagawang programa ng AKB partylist.