Dalawang karagdagang kaso ng COVID 19 at apat na fatalities naitala sa Bicol Region bago ang kapaskuhan

BICOL- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng Covid 19 sa Bicol Region sakabila ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sa ulat na ibinaba ng Department of Health ( DOH) Bicol, mayroon dalawang karagdagang kaso ng sakit na naitala sa bayan ng Minalabac Camarines Sur bago ang kapasuhan, habang wala naman naidagdag na kaso noong December 25.

Samantala, apat naman ang naiulat na nasawi sa Covid 19 noong December 24 kung saan ang mga ito ay pawang mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Wala naman naiulat na fatalities noong araw mismo ng pasko dahilan sa pagkakaroon ng kabuoang 1926 death toll sa rehiyon.

Sakabila nito, mayroon naman kabuoang 72 recoveries na nairecord ang ahensya nitong Holidays kung saan 71 ang gumaling bago ang kapaskuhan, 52 nito ay nairehistro sa islang lalawigan ng Masbate at 18 sa Camarines Sur.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Isa naman ang naitalang gumaling mula sa nasabing sakit sa mismong araw ng Pasko.

Sa ngayon, umabot na sa 41,946 ang kaboang bilang  ng Covid 19 Recoveries sa Bicol Region.

Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na sundin angbida sulosyon plus sa Covid 19 para sa serbisyong salud Bicolnon.