Cavite Gov Remulla – bukas sa imbestigasyon sa POGO sa Island Cove

Tiniyak ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na handa pa siyang samahan ang mga otoridad para mag-inspeksyon sa POGO hub sa Cavite.

Muling idiniin ni Remulla na wala siyang kinalaman sa POGO hub na ito.

Sabi ng Gobernador, diretso na sa PAGCOR ang mga papeles nito; at wala na ring pumapasok sa kanilang pera dahil ang mga buwis ay ‘di na dumaran pa sa Provincial Government.

Bukas din umano siya sa gagawing imbestigasyon ng ano mang ahensya, kabilang na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Maaalalang bago ito, nag-alok pa si Remulla ng P10-million na reward para sa makapagpapatunay na konektado sila sa naturang POGO hub na dating Island Cove.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *