Mandatory vaccination sa mga bata, ikinasa sa Costa Rica

Idineklara ng Costa Rica na mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata sa kanilang bansa.

Ayon sa health officials, kabilang na ang COVID-19 vaccine sa mga basic childhood vaccinations na niri-require na ng kanilang batas.

Dahil dito, ang Costa Rica ang kauna-unahang bansa na nagdeklarang mandatory ang COVID-19 vaccine sa mga bata.

Kaugnay nito, lumagda ng kasunduan ang Costa Rica kasama ang Pfizer/BioNTech para sa pagbili ng mga bakuna.

Magsisimula ang mandatory vaccination sa mga bata na nasa edad 5 hanggang 11 sa March 2022.

Aminado naman ang mga health officials sa nasabing bansa na posible pa ring mahawa ng COVID-19 ang mga bata kahit may bakuna na pero mas mababa naman ang peligro ng hospitalization at pagkasawi nang dahil sa infection.