LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Local Government Unit LGU Camalig ng 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill, Miti ES, Brgy. Miti, Camalig, Albay.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) sa pakikipagtulungan ng Miti BDRRMC at Miti Elementary School (ES) ang nasabing aktibidad Bilang pagsunod sa mga direktiba ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang paghahanda sa lindol at mga kakayahan sa pagtugon ng BDRRMC, mga mag-aaral, at mga kawani ng paaralan.
Sa panahon ng aktibidad, ang MDRRMO ay nagbigay ng room to room information, education, and communication (IEC) sa mga mag-aaral, drill orientation, at partisipasyon, habang tinatasa ang situational preparedness at efficiency ng Miti BDRRMC at ng pamamahala ng paaralan.
Ang nabanggit na aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng LGU-Camalig sa pagpapaunlad ng mga matatag na komunidad sa pamamagitan ng maximized na skills-training at awareness-raising sa grassroots level.
Ang earthquake drill ay isinagawa din bilang pagdiriwang sa nalalapit na 2022 National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo na nagbibigay-diin sa pag-obserba ng apat (4) na bahagi ng Disaster Risk Reduction & Management (DRRM) partikular na ang paghahanda, pagpapagaan, pagtugon, at rehabilitasyon