Mandatory na pagsusuot ng face shield vs Omicron ‘premature’ pa – WHO

Maituturing na premature ang panukalang mandatory na pagsusuot ng face shield para labanan ang bagong COVID-19 variant na Omircron.

Ayon kay World Health Organization country representative Rabindra Abeyasinghe kasalukuyan pang pinag-aaralan ang bagong variant kaya wala pang malinaw na mga impormasyon tungkol dito.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Paliwanag ni Abeyasinghe hindi pa rin makumpirma ng mga eksperto ang paraan ng transmission ng Omicron variant.

Binigyan diin ng WHO official na ang COVID-19 ay hindi isang airborne disease bagkus ito ay nakukuha sa pamamagitan ng close contact.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Kaya naman ipinaalala ni Abeyasinghe na para makaiwas na mahawaan ng naturang sakit mahalaga pa rin ang physical distancing, pagsusuot ng facemasks, at madalas na paghuhugas ng kamay.