2 wanted huli sa bayan ng Coron

Arestado ng pulisya sa bayan ng Coron Palawan ang dalawang wanted sa batas ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Disyembre.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, ang mga inaresto sa  Brgy. Tagumpay  ay si Jerome Irawan Blanco, 32 anyos , mangingisda na hinuli ng Coron PNP, 2nd Special Operation Unit- Maritime Group Provincial Highway Patrol Team-Palawan at 4O1stB MC, RMFB4B sa bisa ng arrest warrant dahil kaso niyang paglabag sa Fisheries Code Sec. 92(A) of Republic Act 10654.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala, hinuli rin ng awtoridad ngayong araw sa Brgy. Tagumpay,  Coron ang isang Albert Illustrisimo Escarlan, 37 anyos,  mangingisda dahil sa paglabag rin sa of Philippine Fisheries Code Sec. 92(A) of Republic Act  10654 o illegal, unreported and unregulated fishing.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nasa kustodiya ngayon ng Coron PNP ang dalawang mangingisda.

📷Palawan PPO